Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Sarmenta may patama sa isang 'namumuno'

Michael Pingol · Jun 22, 2025, 3:20 PM

Romnick Sarmenta

Usap-usapan ngayon ang tila opinyon ng award-winning actor na si Romnick Sarmenta sa isang post niya sa social media kamakailan.

Bagamat hindi niya direktang binanggit ang pangalan ng sinuman, madaling maintindihan na ang kanyang tinutukoy ay ang mainit na usapin sa impeachment na kinasasangkutan ng bise-presidente na si Sara Duterte.

Sa kanyang post, sinabi niya:

“Inosente pero labing-anim ang kinuhang abogado.

Led by the Holy Spirit pero nagpapalaganap ng fake news.

Tapos ng pag aabugado pero di nagbabasa ng konstitusyon.

Nagpapabayad ng buwis pero di nagbabayad.

Namumuno pero walang pangunguna.”

Agad itong nakapukaw ng atensyon ng mga netizens.

Kilalang walang takot si Romnick Sarmenta sa pagbibigay ng kanyang opinyon at saloobin tungkol sa iba't ibang isyu sa gobyerno sa pamamagitan ng kanyang mga post sa social media.