Ang starlet of intergalactic proportions, si Julia Barretto, hindi makakailang may saysay, huh! Kase nga, dito, doon at kung saan-saan nagpapahara-hara ang mga chika tungkol sa kanya.
Kasi naman, may paandar itong si pretty miss Barretto na pumapatok lamang ang mga proyekto kapag ang dating kasinatahang si Joshua Garcia ang katambal, eh may dramaramang tinanggal ang larawan nila ni Gerald Andserson sa kanyang IG account. Ang lalong nagpaigting pa na may katotohanan ngang may mga larawang lost in cyberspace na, eh ang payanig na mula sa pamunuan ni Julia na walang binuburang moments of love as captured in pictures ang dalawa. Ano ba itong si Julia at ang handler niya, hindi synchronized ang mga galawan, huh, Dapat nag-jack en poy, hale-halehoy, sinong matalo siyang unggoy muna kayong pinagdaanan para flawless at seamless ang pagtanggi, hindi ba naman?
Ang mas nagpapalala lalo sa diumanong hiwalayan eh ang mga add on chika mula pangkat katkatera na gagawin kong patanong lahat dahil ayokong makuryente at maakusahang nagpapalaganap ng pekeng showbiz balita.
How true na may sinambulat na pahayag ang nanay ni Barretto, si Aling Marjorie na diumano, may pisikalang nagaganap sa pagitan nina Julia at Gerald Anderson?
Another how, na ayaw pang magpakasal si Barretto kahit pa nga handang-handa na si ginoong Anderson?
At how true again na ang pangunahing prayoridad talaga nitong si Julia ay ang kanyang karera at ang mga pangyayaring may to love and to hold, for richer and poorer, in sickness and in health, till death to us part, eh saka na lang iyan ang dramarama niya?
Wala pang opisyal na pahayag mula kina Julia at Gerald tungkol sa paghihiwalay ng kanilang dekolor at puti kaya bahala kayo diyan kung bet niyong paniwalaan ang mga haka-haka, kuro-kuro at ispekulasyong grabehan ang panganganak at pagdami sa social media, huh!
**
Bwisit at gigil ang pinaka-papable sa lahat ng Ejercito scions, si Jake Ejercito sa isang influencer na kinunan ng video ang kaniyang anak na si Ellie, na wala raw itong pahintulot.
Pahayag ni Ejercito: “This ‘influencer’ filmed Ellie without her consent. She did not want to be in his video – let alone be posted by him. Clout-chasing should never come at the cost of someone’s privacy, especially a minor’s. Please report this reel!”
Bagama’t deleted na ang post na yon ng influencer, ang mga concerned netizen of the Pilipinas nating mahal, inuudyokan si Papa Jake na bigyan ito ng leksyon at sampahan ng demanda.
The WHO ang influencer? Naku, naku, naku wala naman talagang legit na “influencer” sa Pilipinas kaya hayaan na lang nating siyang maging forever is not enough sa pagiging the WHO noh!