Justice Secretary Jesus Crispin Remulla 
DYARYO TIRADA

Backdoor exit! Roque dumaan sa Tawi-Tawi — Remulla

Alvin Murcia

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na palihim na dumaan sa backdoor exit sa Tawi-Tawi si dating presidential spokesperson Harry Roque para makatakas palabas ng bansa patungong Malaysia.

“Sa Tawi-Tawi dumaan ‘yan. Malamang nagbangka o nag-speed boat papuntang Malaysia via Sipadan, Sabah," ika ni Remulla

Hindi lang ’yan, dalawang regular na pasaporte umano ang hawak ni Roque, kahit isa lang ang dapat para sa isang ordinaryong mamamayan.

Dahil dito, nag-utos na ang Department of Justice na imbestigahan ang double passport issue at hihingi sila ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Noong nakaraang linggo, nagsumite na ng petisyon ang DOJ para kanselahin ang pasaporte ni Roque.