DYARYO TIRADA
Apat todas sa pamamaril sa Dasmariñas, Cavite
Apat na katao ang patay sa nangyaring pamamaril sa harap mismo ng Barangay Hall ng Salitran III sa lungsod ng Dasmariñas sa probinsya ng Cavite.
Ayon sa Dasmariñas Police, nangyari ang pamamaril habang nagsasagawa ng flag raising ceremony Lunes ng umaga.
Dead on the spot ang punong barangay, dalawang kagawad at ang mismong suspek na nagbaril sa kanyang sarili.
Sa ngayon sinarado muna ang barangay hall at wala pang abiso sa mga residente kung kailan ito muling bubuksan.