Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada 
DYARYO TIRADA

Angasan sa Boracay feat. anak ni Jinggoy

Michael Pingol

Kinumpirma ng Senador na si Jinggoy Estrada ang pagkakasangkot sa gulo ng anak at pamangkin kahapon, ika-24 ng Mayo, sa Boracay.

Ayon sa salaysay, naglalakad umano ang mga biktima mula sa isang bar nang bigla silang atakihin ng tatlong lalaking suspek mula sa likuran. Pinagtulungan umano sila sa tapat ng isang hotel bandang alas-dos ng madaling araw.

Pahayag ni Estrada, walang naging komprontasyon sa pagitan ng kanyang anak at ng mga suspek habang nasa loob ng bar. Kinumpirma rin ito sa kuha ng CCTV mula sa lugar ng insidente.

Nagtamo ng suntok sa ulo ang anak ng senador at nabali ang kuko sa paa matapos siyang sipain. Tinamaan naman sa ilong ang pamangkin ni Estrada at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Agad na nagtungo ang senador sa Boracay upang pormal na magsampa ng kaso laban sa mga suspek.