DYARYO TIRADA

Alynna, ‘Sensual Siren of Songs,’ balik sa panghahalina

Alwin Ignacio
“DAPAT Ba Akong Mangarap?” ang bagong awit ni Alynna na out na sa digital music.

Balik sa panghahalina at pagkanta ang tinaguriang Sensual Siren of Songs, si Alynna, na ipinamalas sa lahat na talagang hataw na hataw at palong-palo ang kanyang presensya sa tanghalan at pag-awit na nangyari sa sold out concert niyang may pamagat na “I’m Feeling Sexy Tonight” na ginanap sa Viva Café.

Maliban sa kanyang hit songs na “Kahit Gaano Kalaki” at “Pasumpa-sumpa,” kahanga-hanga  ang kanyang pagkanta sa “I’m Feeling Sexy Tonight” na  ang orihinal na mang-aawit ay si Chona Cruz, ang paboritong awit ng kanyang nanay, ang “To Sir with Love” na 1967 hit ni Lulu, at fresh take and spin ang binigay ni Velasquez (apelyido ni Alynna).

Marami naman ang naging teary-eyed nung kinanta niya ang “Tag-Araw, Tag-Ulan” na isa sa mga sumikat na pop songs ng kanyang partner for 27 years na si Hajji Alejandro. Nagtapos ang set ni Alynna sa kantang “Tuloy Pa Rin Ako.”

Ang kanyang encore song, ang “Till My Heartache Ends,” panalong-panalo ang version ni Alynna dahil grabehan ang emotional commitment at feels na ibinigay sa kanta ni Ella Mae Saison. Sa true lang, kung ang kanta ni Saison ay kanyang ilalabas sa merkado, walang duda, maging super hit ito, huh!

Panimulang chika ni Alynna matapos ang intimate concert niya, ang kanyang sagot sa katanungan kung paano niya pinili ang repertoire para rito.

“Depende sa nararamdaman ko. Tapos for approval na nila kung okey. Pero kanina hindi ako pumayag…..kasi parang, nag-praktis naman ako na hindi iiyak, eh. It’s just hard kapag bumabalik, and to this day kasi hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Hajji.”

Ano nga ba ang hinahanap-hanap niya ngayong wala na si Hajji Alejandro, ang orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyala, na kanyang partner ng dalawang dekada at pitong taon?

“Yung pagka-suplado nya at saka ung pag may show siya, nag-a-ano siya…naku, patay na patay ako doon kapag naka-suit na, eh,” tugon ni Alynna sa tanong.

Patuloy pa niya: “It’s just like seeing him for the first time every time he sings and we’ve been together for 27 years. But it’s always the first time pagka napapanood ko siya.”

“What you see in public is what he really is in public. He's an introvert,” saad ni Alynna. “He’s very intelligent. He watches movies all the time. Pero magkahiwalay kami kasi iba yung gusto kong panoorin. Iba yung kanya “Basta tahimik lang siyang tao. Napakalalim niya. He’s very loving. Yung iba akala nila suplado. But, mahiyain lang din talaga siya.”

Inamin ni Alynna na: “The last few days of Hajji was so difficult because I have to act like normal lang sya. Kasi hindi namin dapat ipakita sa kanya na naaawa kami. But I’m pretty sure na naawa rin siya sa sarili niya. Knowing Hajji kasi, he’s a perfectionist. May konting-konting, konting yabang sya sa sarili niya na, ‘I am Hajji.’ Now that he sees himself na incapacitated and he can’t even talk, I’m sure naaawa sya sa sarili niya. And we don’t want to show him na malungkot kami. So, pagkaharap mo siya nagpapatawa pa rin ako sa kanya. Pero kapag nakatalikod na sya, I see skin and bones. Hindi ko kinakaya. Kami ni Rachel (Alejandro, Hajji’s daughter) umiiyak kaki sa likod niya.”

Big reveal sa chikahan ang pag-amin ni Alynna tungkol sa kanyang relasyon sa pamilya ni ginoong Alejandro. Aniya: “Half of the family hindi talaga ako gusto, lalo na nu’ng naging kritikal si Hajji. I think I know why. Ayoko na lang magbanggit. But people who would read you or listen to you would know, and would read between the lines. Hindi ko naman po sila masisisi for thinking that way. Okey lang. Ang akin naman I’m there because of Hajji. Because I know he wants to see me kahit na napakahirap sa akin na ma-reject ka. Kasi, talagang ni-reject ako. Ayoko na lang talaga makipag-away.”

Galawang pang-soap opera ang ilang ng kapamilya ni Hajji  na pinamukha ang di pagkagusto sa kanya: “Hindi naman harap-harapan kasi, pagkaharap ako iba, eh. Pero once na wala na ako maririnig ko na lang na uutusan yung maid na hindi siya (Alynna) pwedeng pumunta ng ganitong oras kasi nandito kami. “

Ikinalugod ni Alynna ang katotohanan na: “Nung last eight days nya, si Ali and Rachel reached out to me. Kasi feeling nila last day. Kasi ano na e, very shallow na yung breathing. So, I thanked them. Sabi ko, ‘Thank you tinawagan nyo ako because I think about him for a month and two weeks na. When I got there nakita ako ni Hajji talagang nag-iba yung mukha nya.”

Patuloy niyang paglalahad: “For some reason, na-extend pa. Biglang gumanda pa yung breathing niya, e. But then, sabi ko nga, wala eh. Kalat na. But his brain is so sharp. Naghihingalo na nga siya may hinahanap ako siya pa tinanong ko, eh. Pero yung katawan niya talagang bumigay na and he tried to hold po. Alam ko yun kasi binigyan siya ng choice ng doctor kung gusto niyang magpa-inject, you know, to sleep. Deep sleep lang, ganoon. Kasi, yun din yon, eh. You just, processing his death eh for the past few dyas. And everybody knew it. Alam nyo, hindi niya tinanggap yung injection and I know why, eh. Kasi he wants to live another day because anniversary kasi namin, ganoon. Alam ko yun, eh, ganoon siya ka-ano. But then, sabi ko na lang sa kanya, ‘Okey lang ako. Go. Go with God. Okey lang ako.”

Tinanong din si Alynna kung merong naiwan sa kanya na property or gamit si Hajji. Agad niyang sagot: “Meron, pero hindi na ako sure ngayon if mabibigay pa rin sa akin. Meron kaming condo pero hindi na lang ako nangulit. Hindi naman kasi ako ma-ano, pagnilagay niya ang name ko doon okey lang. Pag hindi, okay lang din. Kasi ang importante sa akin is yung day by day ano ko, being with him.”

“Dapat Ba Akong Mangarap?” ang bagong awit ni Alynna na out na sa digital music market at ang may likha nito ay ang OPM singer at songwriter at buhay na alamat Rey Valera.  May bago rin siyang konsiyerto sa 14 Hunyo sa Music Museum.