Photos
Libreng pananghalian mula sa National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto
Bukas-palad na namahagi ng libreng tanghalian ang simbahan sa Sampaloc, Maynila ngayong Sabado, ika-3 ng Mayo. Nakaugalian na ng mga namumuno sa simbahan ang pagtulong sa kapwa tuwing Huwebes at Sabado sa pamamagitan ng pamamahagi ng pananghalian.
Itinuturo ng simbahan ang kahalagahan ng magandang pakikitungo sa kapwa, upang maging mabuting halimbawa rin ang mga benepisyaryo sa kanilang komunidad.