Daily Tribune

DYARYO TIRADA

GDP mo, mukha mo

DT · Apr 14, 2025, 4:13 PM

Ang ganda ng headline. “Philippines poised to reach upper middle-income status.” Sabay bukas mo ng ref: May tubig at ketchup sa sachet na expired. Progress: 21st-century style.

Sabi ng gobyerno, the economy is booming.

Booming daw. Pero anong tunog ng sikmura ng 7.5 million pamilyang gutom? Tahimik. Walang sound effect. Walang press release. Pero nandyan siya. Kumakabog. Tumataghoy.

SWS: 52 percent of Filipinos consider themselves poor.

Hindi ito metaphor. Hindi ito art installation.

Ito yung tunay na “I’m sorry, anak, tubig muna tayo ngayon” sa hapag-kainan. Yung “huwag ka nang bumili ng project, anak, gawa na lang tayo sa karton.”

Yung natutulog na walang laman ang tiyan.

At walang pangarap pag-gising.

Sa Visayas, 62 percent ang self-rated poverty. Sa Mindanao, 60 percent. Metro Manila? 41 percent. So yes, congratulations. If you live within MRT range, medyo may pag-asa ka pa. Pero kung nasa bundok ka, baybayin, o tabing-kalsada: malas mo. Lumaki nga ang GDP, pero parang hindi ikaw ang tinutukoy.

Bakit? Well -- Food prices went up 16 percent since June 2022. Pero sweldo mo? P469 ang minimum wage. Pero ayon sa IBON, kailangan mo ng P1,227 PER DAY para mabuhay ang isang pamilya. Puwede ka nang maging contortionist sa circus para lang pagkasyahin ’yan.

At savings? LOL. BSP says 74 percent of Filipino households have none. No ipon. No buffer. No room for error. Isang sakit lang. Isang bagyo. Isang aberya. Wasak.

Eh dati naman daw, kaya pala eh. 2019, self-rated poverty was 38 percent. Bakit? Kasi may targeted programs. Yung 4Ps. Yung hindi basta-basta binibigay dahil kakampi mo si kapitan. Yung may sistema. May proseso. May konting dangal.

Ngayon? Balik ulit sa politiko ang bola. At siyempre, may bola silang ibabalik sa iyo. Tuwing eleksyon.

Ang tanong: sino ba ang umuunlad? Siguro ’yung mga negosyante sa BGC. Siguro ’yung mga exporter ng coconut water sa Europe. Siguro ’yung mga gumagawa ng economic forecast na may PowerPoint at accent.

Pero hindi ’yung tatay sa Zamboanga na hindi makabayad ng tuition. Hindi ’yung nanay sa Iloilo na nagtitinda ng kakanin, tas nag-uunat ng kanin para magkasya sa lima.

Hindi ikaw. Hindi ako. Hindi sila. Yung mga “average Filipino” na naging mascot ng suffering.

So anong tawag dito? Disconnect? Hindi lang disconnect, bro. Ito na yung version 5.0 ng “Bahala na si Batman” economy. Growth for the few.

Scraps for the rest. Selfie muna sa stock market gains, habang may namamatay sa gutom.

Tapos may nerve pa silang magsabi ng “inclusive growth.” Inclusive your face.

Alam mo kung anong inclusive? Yung gutom. Yung takot. Yung pag-asa na laging delayed, pero lagi mong inaabangan. Parang sweldo. Parang tulong.

Parang pagbabago.

GDP mo, mukha mo.