Photos

Ang sikat na Ugbo Street Food sa Tondo

Author : Larry Cruz

Kakaibang outdoor culinary food adventure ba ang hanap ninyo? Tara, pasyalan natin ang pambihirang street food scene sa Ugbo Street Food, na matatagpuan sa kahabaan ng Kalye Velasquez corner Ugbo, Tondo, Manila.

Isa sa mga kaugaliang kinagisnan ng mga taga-Tondo ay ang pagpapakita ng pagiging bukas ng komunidad sa iba’t ibang kultura at lutuin. Dahil sa mga pagkaing may impluwensiyang pinaghalong lokal at pandaigdigang lasa, ang Ugbo Street Food ay isang perpektong destinasyon para sa mga mahilig sa food crawl.