Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen Anthony Aberin na inaasahan nila ang mga magpoptotesta ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pag-aresto sa kanya at pagdala sa The Hague sa Netherlands.
Nagpaalala ang kanilang kawani sa mga Duterte rallyist na dapat kumuha muna sila ng permit bago magsagawa ng pagkilos.
Paliwanag nito, papayagan naman daw na ito ay gawin sa mga freedom parks ngunit hindi maituturing na freedom park ang EDSA Shrine at EDSA People Power Monument.
Dagdag pa nito, nakahanda ng kapulisan kung sakaling magkaroon ng kilos protesta sa nasabing mga lugar.