VICE Ganda | photograph courtesy of ig/vice ganda 
DYARYO TIRADA

Vice Ganda, tumangging kampi siya kay Duterte

Danny Vibas

Itinanggi ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang pahayag sa social media na ikinalulungkot n'ya ang pagkaaresto kay ex-President Rodrigo Duterte at pagpapadala kay Duterte sa Netherlands para du'n siya mahatulan.

Peke umano ang post na yon sa Facebook, ayon sa Unkabogable Star.

Nag-trending ang pangalan ng TV host-comedian dahil sa pekeng social media post.

Pero iginiit ni Vice Ganda na never  siyang nagbigay ng anumang pahayag tungkol sa nangyari sa dating pangulo.

Humihingi ang TG host-actor ngayon ng tulong sa madla na i-report sa mga kinauukulan ang pekeng post na ipinangalan sa kanya.

Ang nakasulat sa quote card ay: “Ayaw kong magpakahipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa mga kriminal nag-uu- nahang sumuko dahil sa takot kay Duterte.

“Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na.

“Kung hindi si Duterte ang namuno ng pandemic, lahat tayo patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”

“I never stated this. Pls report,” giit ni Vice sa kanyang X page kalakip ang pekeng quote card.

Ni-repost din ito ni Vice sa Facebook at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS! Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement. “Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” pahayag ni Vice.

Inaresto si Duterte ng mga operatiba ng PNP-CIDG nung Martes sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa bisa ng arrest warrant mula sa  International Criminal Court

Sumunod ay  dinala ng mga otoridad si Duterte sa The Hague sa The Netherlands kung saan nito haharapin ang mga kaso n'ya.