Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Ilang kumpanya ng langis, nag-rollback ng presyo

Michael Pingol · Mar 4, 2025, 3:06 PM

PHOTOGRAPH BY ARAM JAN LASCANO FOR THE DAILY TRIBUNE

Nagkaroon ng magkakasabay na bawas presyo sa kani-kanilang produkto ang ilang mga kumpanya ng langis.

Nagpatupad kaninang ala-sais ng umaga ng P.90 na bawas presyo sa kada litro ang gasolina, bukod dito nagkaroon din P0.80 bawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P1.40 sa kada litro ang bawas presyo.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE) ang dahilan ng bawas presyo ay naniniwala ang international Energy Agency na mayroong oversupply ng langis ngayong 2025.