Ipinatupad ngayong araw ang bawas presyo sa liquefied petroleum gas o LPG.
Ayon sa LPG Marketers Association, magkakaroon ng P11 na bawas sa bawat 11-kilogram na household LPG cylinder tank. Isa sa mga dahilan ng nasabing bawas presyo ay ang pagbaba ng presyo ng Saudi Aramco ng hanggang $20.
Ayon din sa kanila, posibleng masundan ang bawas presyo na ito sa buwan ng Abril.