Ikinasal na ang beauty queen-athlete na si Michele Gumabao sa matagal nang boyfriend niyang si Aldo Panlilio, isa ring athlete. Idinaos ang kasal nung hapon ng February 25 sa Makati.
Usap-usapan na ngayon kung kailan naman kaya makikipag-isang dibdib ang sexy actor na si Marco Gumabao sa sexy actress na si Cristine Reyes. Nakababatang kapatid ni Michelle si Marco, na isang athlete din bago naging artista.
May ilang taon na rin namang mag-sweetheart sina Marco at Cristine na parehong dumalo sa kasal nina Michelle at Aldo. Di pa ba sila nag-i-schedule ng kasal nila?
Sweet na sweet pa rin naman sa isa't isa sina Cristine at Marco. Magkarelasyon pa rin sila. Ang isang ebidensya nito ay ang mga litrato ng pagsi-celebrate nila ng Valentines' Day sa Camarines Sur, kung saan naninirahan si Marco (at posibleng pati si Kristine). Mismong si Marco ang nag-post ng beach photos nila sa kanyang Instagram. Kumakandidato ang sexy actor bilang congressman sa fourth district ng Camarines Sur.
Ang parang biglaang pagpasok ni Marco sa pulitika ang maaaring dahilan kaya di pa siya nagdedesisyon na iharap na sa altar si Cristine. Kahit naman may isang anak na ang aktres, matagal nang annuled ang kasal n'ya sa isang banyaga na ama ng anak n'ya. Huminto siya sa paggawa ng bold films mula nung nagkarelasyon sila ni Marco.
Abalang-abala si Marco sa pangangampanya sa Camarines Sur, kung saan kilala ang angkan ng ina niya na isang Imperial. Pati nga sa mga grupo ng LBGQIA ay nangangampanya si Marco.
Ex-politician ang ama ni Marco na si Dennis Roldan (na Gumabao ang tunay na apelyido). Pero maraming taon nang nakakulong si Dennis sa salang pangki-kidnap sa isang paslit ilang taon pagkatapos n'yang maging congressman sa Quezon City.