DYARYO TIRADA
American actress na si Michelle Trachtenberg, pumanaw na
Pumanaw na sa edad na 39 anyos ang American Actress na Michelle Trachtenberg.
Ilan sa mga pinagbidahan nito na TV series ay ang Gossip Girl kung saan gumanap siya bilang Georgina Sparks at Dawn Summers sa Buffy the Vampire Slayer.
Wala na itong buhay nang makita sa kanyang apartment sa New York City, wala naman nakitang foul play sa pangyayari.