Daily Tribune

DYARYO TIRADA

400 timbog sa pagsalakay sa isang POGO sa Pasay

Michael Pingol · Feb 27, 2025, 3:34 PM

(File Photo)

Inaresto ng mga otoridad ang nasa 453 indibidwal, kabilang ang 401 dayuhan, sa pagsalakay sa isang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay. Ang operasyon, sa pangunguna ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa koordinasyon ng Pasay City government.

Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, ang mga naaresto ay kinabibilangan ng 207 Chinese, 132 Vietnamese, 24 Koreans, 14 Indonesians, 11 Malaysians, 12 Burmese, at isang Madagascan. Ang grupo ay iniulat na nasangkot sa mga love scam at investment fraud na kung saan binibiktima ang mga Pilipino at dayuhan.