DYARYO TIRADA
Convoy driver ni PNP chief Marbil, nagpa-ticket matapos dumaan sa EDSA Busway
Inisyuhan na ng ticket ang driver ng convoy na sakay umano si Philippine National Police (PNP ) chief Police General Rommel Marbil matapos na dumaan sa EDSA Bus way.
Ito ay kinumpirma ni PNP spokesperson Brig. General Jean Fajardo na ang sakay ng convoy ay mga matataas na opisyal ng kapulisan, ngunit hindi na lamang pinangalanan ang mga ito para sa kanilang kaligtasan.
Papunta ng Camp Crame ang convoy dahil mayroong closed-door meeting na isasagawa, matapos maihatid ang mga opisyal bumalik ang drayber ng convoy at sila ay nagpaticket sa Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Handa naman sila magpaliwanag sa DoTr at giniit na malaki ang repesto nila sa batas trapiko.