DYARYO TIRADA
'Protect Sara Duterte' coalition inilunsad sa Davao City
Umabot sa halos 79 na grupong tagasuporta ni Vice President Sara Duterte ang nagtipon sa Davao City para ilunsad ang Protect VP Sara coalition.
Mahigit 200 katao ang dumalo sa aktibidad sa Orcullo Park sa Roxas Avenue noong 22 Pebrero, araw ng Sabado, ayon sa Davao City Police Office (DCPO).
Nakasuot ng kulay berde ang mga kalahok upang ipakita ang kanilang suporta at muling ipahayag ang kanilang pagtutol sa impeachment complaint laban sa bise presidente.
Sinabi ng mga grupo na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga rally dahil naniniwala silang walang basehan at politically motivated ang mga reklamo laban kay Duterte.