Kakaibang tema naman ang naging bachelorette party ni dating beauty queen at volleyball star na si Michele Gumabao.
Ang kanyang party ay may funeral theme na sumisimbolo sa kanyang pamamaalam sa buhay-single.
Ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up sa Instagram ang ilang highlight ng kanyang bachelorette party, na inilarawan niya: “Best funeral ever.”
Ilan sa mga dumalo ay ang kanyang mga kakampi sa Creamline Cool Smashers, kabilang sina Ella De Jesus at Alyssa Valdez.
Si Gumabao ay na-engage kay PBA strength and conditioning coach Aldo Panlilio noong nakaraang taon.