DYARYO TIRADA
Presyo ng krudo tataas na naman
Magkakaroon ng taas presyo ang mga produktong petrolyo sa magkasunod ng lingo simula sa Martes, Pebrero 25.
Sa magkahiwalay na advisories, Ang Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ay magtataas ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.70, diesel ng P0.40, at kerosene ng P0.20.
Magkakaroon din ng pagbabago sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz, hindi kasama ang kerosene dito.
Eepekto ang mga pagsasaayos alas-6 ng umaga sa Martes, para sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Ang ibang mga kumpanya ay hindi pa nag-aanunsyo ng pagbabago sa presyo.