DYARYO TIRADA
Bagong PCO Secretary nanumpa na
Pormal nang nanumpa ang dating broadcast journalist na si Jay Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Presidential Communication Office (PCO).
Si Ruiz pumalit kay Cesar Chavez na nagbitiw kamakailan lang.
Bukod kay Ruiz, nanumpa rin bilang Underscretary ang lawwyer-broadcaster na si Atty. Clarissa “Claire” Castro, na gagampanan ang Palace Press Officer na mangunguna sa mga press briefing ng palasyo.
Matapos ang oath-taking personal naman ipinakilala ni Chavez sa Malacañang Press Corps at sa mga kawani ng PCO sina Ruiz at Castro.
Pinaliwanag din ni Castro na hindi spokesperson o tagapagsalita ng pangulo ang kanyang gagampanan pero siya ay tutulong na magpaliwanag ng mga pahayag ng pangulo.
Layunin naman ni Ruiz na tutukan ang maayos na serbisyo para maihatid ang direktiba ng Pangulo sa publiko ang mga programa ng gobyerno at mga tamang impormasyon.