Photo courtesy of the Philippine National Police
DYARYO TIRADA

Pulis nasawi sa banggaan ng eroplano at U.S. Army helicopter, pinarangalan

Michael Pingol

Pinangaralan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang supply management chief na nasawi sa isang madugong mid-air collision sa US noong nakaraang buwan.

Si Col. Pergentino Malabed, na sakay ng isang pampasaherong eroplano na bumangga sa US Army helicopter sa Potomac River, Washington D.C., ay ginawaran ng dalawang medalya bilang pagkilala sa kanyang serbisyo.

Personal na iginawad ni PNP Chief Rommel Marbil ang Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod at Medalya ng Katangi-tanging Gawa kay Malabed.

Dumating sa bansa ang kanyang mga labi nitong Biyernes ng umaga at dinala muna sa Camp Crame para sa isang seremonya ng pagbibigay-pugay.