Despite assault claims, Jam Ignacio seeks reconciliation and marriage with Jellie Aw Jam Ignacio and Jellie Aw Instagram
DYARYO TIRADA

Jellie Aw, tuloy ang pagsampa ng kaso laban kay Jam Ignacio

Michael Pingol

Sa kabila ng paghingi ng tawad sa kanya, desidido ang vlogger at DJ na si Jellie Aw na magsampa ng kaso laban sa kanyang fiancée na si Jam Ignacio.

Dahil sa insidente, nagpasya na rin si Aw na hindi na ituloy ang kanilang nakaplanong kasal.

Dagdag pa niya, nirerespeto niya ang damdamin ng kanyang mga magulang kung sakaling natuloy ang kasal.

Matatandaang naging usap-usapan ang kanilang pangalan matapos siyang saktan ng kanyang nobyo noong 12 Pebrero, isang araw bago ang Araw ng mga Puso. Ayon kay Aw, naganap ang insidente sa loob ng sasakyan, ngunit nagawa niyang makatakas.

Naghain siya ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI), kung saan ipinatawag si Ignacio para sa isang imbestigasyon. Gayunman, hindi ito sumipot.