Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Magnanakaw ng tanim pinugutan

Michael Pingol · Feb 20, 2025, 5:22 PM

Pinagtataga at pinugutan pa ng ulo umano ang isang lalaki ng isang magsasaka dahil umano sa pagnanakaw nito sa taniman sa Malitbog, Bukidnon.

Ayon sa mga otoridad, wala ng buhay nang kanilang madatnan ang lalaki.

Lumabas sa imbestigasyon na nagnanakaw na umano sa taniman ang biktima nang mahuli ito ng magsasaka sa akto. Nagkaroon pa ng habulan at nang maabutan ang biktima ay doon siya pinagtataga at pinugutan ng ulo.

Pagkatapos mapugutan ay itinapon umano ang ulo nito sa damuhan.

Agad din naman sumuko ang suspek at isinalaysay nito ang pangyayari. Ayon sa kanya, dahil daw sa sobrang galit kaya niya nagawa ang krimen dahil ilang beses na siyang pinagnanakawan ng lalaki.

Pinakawalan din ng otoridad ang magsasaka dahil hindi na magsasampa ng kaso ang kaanak ng lalaking napatay nito.