Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Cesar Chavez, nagbitiw bilang PCO Chief

Michael Pingol · Feb 20, 2025, 5:09 PM

Photo from | Cesar Chavez Facebook

Nagbitiw na sa puwesto si Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.

Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ni Chavez na aalis siyang may panghihinayang dahil hindi niya umano lubos na nagampanan ang inaasahan sa kanya. Napag-alaman din na noong Pebrero 5 pa ito nagsumite ng kanyang pagbibitiw.

Ayon pa kay Chavez, binigay niya ang kanyang buong makakaya, taos-puso rin siyang nagpasalamat sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na makapagsilbi sa Administrasyon at gayundin sa tiwala na ipinagkaloob sa kanya tila isa daw itong karangalan.

Dagdag pa niya, mananatili siya hanggang Pebrero 28 sa PCO o pwede pa itong mapaaga kung may mahahanap agad ang palasyo na ipapalit sa kanya.