Ipinagdiwang ng Queen of All Media ang kanyang ika-54 na kaarawan sa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby pati na rin ang kanyang mga malalapit na kaibigan.
Matatandaan na nagkaroon ng malubhang sakit ang aktres kaya nanirahan muna ito sa Amerika upang magpagamot at magpagaling, kalaunan, noong nakaraang taon si Kris ay nagbalik-Pilipinas na rin.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post ang ilang regalong natanggap niya para sa kanyang kaarawan, ilan sa mga ito ay mga bouquet ng bulaklak, Care Bear stuffed toy, at Mega Space Molly.
Kasama sa mga pinost na larawan ang kanyang mga anak pati na rin ang mga bisita na sina fashion designer Michael Leyva at RB Chanco at iba pa.
Nagpasalamat din si Kris sa mga nagpaabot ng pagbati at patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalagayan.