Senate President Francis "Chiz" G. Escudero and his wife, Heart Evangelista arrive here at the Senate for the opening of the third regular session.  John Louie Abrina
DYARYO TIRADA

Heart Evangelista at Chiz Escudero, ipinagdiriwang ang ika-10 anibersaryo ng kasal

Michael Pingol

Ipinagdiwang nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ang ika-10 taong anibersaryo ng kanilang kasal.

Nag-upload si Heart sa kanyang Instagram account ng isang nostalgic na video compilation na nagpapakita ng kanilang mga sweet memories sa buong taon ng kanilang pagkakasama.

Noong Agosto 2014, naganap ang kanilang unang kasal, at nasundan ito noong sumunod na taon, 15 Pebrero 2015, na ginanap sa Balesin Island.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng vow renewal ceremony ang mag-asawa na ginanap din sa parehong isla.