Sara Duterte 
LATEST

NBI nagsampa ng kaso laban kay VP Sara

Michael Pingol

Hindi na nasorpresa si Vice President Sara Duterte sa nirekomendang kaso sa kanya ng National Bureau of Investigation.

Ang nagtulak sa rekomendasyong ito ay ang hindi niya pagdalo sa ahensya noong nakaraang taon.

Bwelta ng bise presidente, inaasahan na niya ang mga ibibinbin na kaso.

Matatandaang nagpatawag ng imbestigasyon ang NBI kaugnay sa pagbabanta ni Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Martin Romualdez.

Nauna rito, nakapagsampa na ang Philippine National Police ng direct assault, disobedience, at grave coercion laban sa bise presidente.