(FILE PHOTO)  
LATEST

Pacquiao sinibak ang tauhan na dumaan sa EDSA busway

Michael Pingol

Tinanggal sa trabaho at hindi kinunsinti ni dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang staff member na pinara ng mga otoridad matapos itong dumaan sa EDSA busway.

Dagdag pa ni Pacquiao, pinagalitan niya ang drayber at pinapabalik niya ito sa opisina ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) para kunin ang traffic tickets.

Nauna nang nilinaw ng head security ni Pacquiao na si Jojo Cagumay na hindi alam ng dating senador ang insidente. Dahil dito, humingi siya ng paumanhin sa pangyayari.

Matatandaang nabalita ang insidente matapos masita ng SAICT ang sasakyan na pag-aari ni Pacquiao dahil dumaan ito sa EDSA busway. Naisyuhan ng ticket ang isang convoy at tumakas naman ang isang drayber.