(FILE Photo)  
LATEST

Mas mababang presyo ng bigas, ibebenta sa Kadiwa Market

Michael Pingol

Magkakaroon ng rice reduction ang Department of Agriculture para sa kanilang Rice-for-All (RFA) program ngayong araw, Pebrero 12.

Isa na rito ang nakatakdang bawasan ang presyo ng binebentang bigas sa mga Kadiwa stores.

Naoobserbahan ng DA na tuluyan pang bababa ang presyo ng bigas lalo na at paparating na ang panahon ng anihan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Laurel, maaaring magbawas ng hanggang P3 sa kada kilo ng bigas. Maaari pa rin daw makabili ng tig-P29 kada kilo ng bigas ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at mga indibidwal mula sa indigent sectors.