Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Maris Racal hinangaan sa action scenes

Alex Brosas · Feb 13, 2025, 2:51 AM

Bilib na bilib ang netizens hindi lang sa natural acting ni Maris Racal sa Incognito kundi maging sa kanyang kakayahan na gunawa ng action series scenes.

Sa isang recent episode ng Incognito ay nagpamalas ng angas si Maris bilang Gab Rivera nang talunin nito ang limang tauhan niyang lalaki.

Maris Racal — LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Puring-puri si Maris ng netizens sa comment section ng isang Facebook account.

“Kahit anong role bagay na bagay sayo.”

“Maris Racal ang galing galing mo d2. Kapayat n babae ang lakas..hehe.”

“grabe ang galing mo dyan ‘ti amo na’ hahahha.”

“Mahusay Ka talaga  lagi nakaabang SA new episodes SA netflix.”

Karylle hindi pa buntis

Binasag na ng It’s Showtime host na si Karylle ang kanyang pananahimik sa isyung bunting na siya.

Sa kanyang Youtube vlog, idinenay ni Karylle na bunting siya.

“I have been stopped on the street and congratulated for being pregnant, and I have to explain of course that I am not pregnant.

“And this is the 3rd time this news has circulated. So I knew a categorical denial would be useless, because you want to believe what you want to believe.

“And maybe you have a good feeling about congratulating me. And I think it’s not about education level. A lot of people have been fooled by this news.

“So I am here to tell you once again that the news if fake. ”

‘Yan ang may kahabaang paliwanag  ng It’s Showtime host.

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. — LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Andi at Philmar nagkaayos na

Mukhang nagkabati na ang mahdyowang sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos magparinigan sa social media.

Spotted kasi ang dalawa kasama ang kanilang mga anak  habang  nagla- lunch kamakailan.

Nakunan rin ng larawan ang  grandparents ni Andi na si Eddie Mesa at Rosemarie Gil habang nasa Siargao.

Nagsimulang magwala sa social media si Andi matapos makita ang couple tattoo ni Philmar at female friend nitong foreigner.

Na-hurt si Andi lalo pa’t hindi ito ipinaalam ni Philmar sa kanya.  Aminado naman si Andi na kaibigan  na ni Philmar ang foreigner bago pa man niya ito makilala.