(FILES) A Chinese Long March 4B rocket carrying a China-Brazil Earth Resources Satellite, named 02B, takes off from the Taiyuan Satellite Launch Centre in northern China's Shanxi province, 19 September 2007.  CHINA OUT GETTY OUT AFP PHOTO
DYARYO TIRADA

Mga residente ng Palawan, Basilan pinag-iingat sa rocket ng Tsina

Michael Pingol

Maglulunsad ang Tsina ng kanilang long march 8A rocket ngayong araw Pebrero 11, mula sa Wenchange Spacecraft launch site nito sa Hainan.

Ayon sa Philippine Space Agency (PSA), mangyayari ang paglulunsad ng rocket sa pagitan ng 9:22 n.u. at 10:16 n.u., kung kaya't pinag-iingat ang mga residente ng mga probinsya ng Palawan at Basilan.

Ang pag-launch ng rocket ay nakatakda pa sana noong Enero 25 ngunit ito ay ipinagpaliban ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Mayroong tatlong itinalagang drop zone ang China kung saan babagsak ang mga debris ng naturang rocket. Ang una, tinatayang nasa 85 nautical miles mula Rozul Reef, ikalawa — 40 nautical miles mula Puerto Princesa, Palawan, at pangatlo, tinatayang 33 nautical miles mula Hadji Muhtamad, Basilan.

Nagpaalala rin ang PSA sa publiko na huwag lapitan o hawakan ang anumang debris mula sa rocket dahil sa nakakalason nitong kemikal.