DYARYO TIRADA
‘Operation Baklas’ at ‘Kontra-Bigay’ mas palalawigin
Isang araw bago magsimula ang campaign period, nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato para sa national level na ang kampanya ay magsisimula bukas, Pebrero 11, at tatagal hanggang Mayo 10.
Sa pangunguna ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inihayag niya na ipagpapatuloy nila ang kanilang ‘Operation Baklas’ at palalakasin ang kanilang kampanyang ‘Kontra-Bigay’ ngayong panahon ng eleksyon.
Ayon kay Garcia, unang tatalakayin ng kanilang mga tauhan ang mga campaign materials na lalabag sa itinakdang sukat ng poll body, pati na rin ang mga hindi nakapaskil sa mga common poster areas. Nilinaw din nila na hindi nila gagalawin ang mga materyales na nakapaskil sa private areas.
Isa pang layunin ng COMELEC ay pigilan ang ‘kontra-bigay,’ na isang isyung madalas maganap sa panahon ng kampanya. Magkakaroon ng mahigpit na pagbabantay sa mga posibleng insidente ng vote buying at vote selling. Alinsunod sa Resolution 11104, maaaring managot ang mga kandidato na may kinalaman sa pagbili at pagbenta ng boto kung may makitang kahina-hinalang aktibidad kaugnay nito.
Hinihimok ng COMELEC ang mga botante, lalo na ang mga ‘first-time voters,’ na huwag tumanggap ng pera mula sa mga kandidato at huwag ding suportahan ang mga ito.