DYARYO TIRADA
Obiena sumungkit ng ginto sa France
Nagkamit muli ng gintong medalya ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa Meeting Metz Moselle Athletor sa France.
Ito ang unang gintong medalya ni Obiena para sa taong 2025, kung saan patuloy niyang pinapakita ang kanyang talento. Kamakailan lang, nagkamit din siya ng silver medal sa Jump Meeting Cottbus 2025 sa Germany.
Nakamit ni Obiena ang 5.70-meter clearance laban sa pitong katunggali.
Sa unang attempt, hindi siya nagtagumpay at sinubukan ang 5.85-meter jump na itinakda para sa World No. 4, ngunit ang 5.70-meter jump ang naging daan upang makuha niya ang gintong medalya ngayong taon.
Nagkaroon din siya ng tie-breaker laban sa Dutch pole vaulter na si Menno Vloon, ngunit siya ito’y kanyang tinalo.
Magkakaroon din siya ng laban sa ISTAF Indoor sa Berlin ngayong Lunes.