DYARYO TIRADA
Termino ng PNP chief pinalawig
Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ng Philippine National Police Chief Police General Rommel Francisco Marbil ng apat na buwan.
Ayon sa Presidential Communications Office, magiging epektibo ito sa February 7, 2025 sa araw ng kanyang pagreretiro.
Nakasaad sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-extend ng serbisyo sa gobyerno ni Marbil na lampas retirement age na 56.
Nagpasalamat si Marbil sa tiwala ni Pangulong Marcos sa pamumuno ng pinakamataas na pulisdagdag pa nito, dahil sa kanyang pinalawig na termino sisikapin niyang pagbutihin ang paghahanda para sa eleksyon sa Mayo.
Si Marbil, ang ika-30 PNP chief Siya ang naging commander ng PNP top post noong Abril 1, 2024 at miyembro ng Philippine Military Academy’s Sambisig Class of 1991.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may pinalawig na termino ng hepe ang nakaupong pangulo.