DYARYO TIRADA
Sandro Marcos nanguna sa paghain ng impeachment complaint vs VP Sara
Nasa mahigit 200 na mambabatas ang naghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at ito ay pinangunahan ni presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos nitong Miyerkules.
Matapos kumpirmahin ni House Secretary General Reginald Velasco, may naghain ng ika-apat na impeachment complaint na may sapat na bilang para umusad ito.
Kung sakali man maging matagumpay ang impeachment complaint na kanilang pinupursige, si VP Sara ang magiging kauna-unahang bise presidente na maiimpeach sa kasaysayan ng bansa.
Unang sinabi dito na may sapat na bilang na upang maisatupad ang pag-iimpeach kay VP Sara. Kailangan lamang ng one-third na boto para ma-impeach ang isang opisyal.