DYARYO TIRADA
Pagbabago ng work hours sa Metro Manila pag-aaralan
Kinokonsulta na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga local government units hinggil sa panukalang pagsasaayos sa oras ng trabaho ng mga national government agencies sa Metro Manila upang maibsan ang trapiko.
Nagsagawa rin sila ng interview sa mga empleyado sa mga lungsod ng San Juan, Pasig at Pasay at karamihan sa tugon na kanilang natanggap mas gusto ng karamihan ang alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na oras ng trabaho.
Nauna rito, sinabi ng MMDA na dapat i-adjust ang oras ng pagtatrabaho ng mga national government agencies sa National Capital Region hanggang alas-7 ng umaga hanggang hanggang alas-4 ng hapon para maibsan ang traffic.
Halos nasa 2 milyong empleyado ang inaasahang makakaiwas sa pagdagsa ng mga commuter sa rush hour ng matinding trapiko bandang alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi kung ipapatupad ang nasabing rekomendasyon ayon sa MMDA.