Sinabi ni Bise Presidente Sara Duterte na kinokonsidera niya ang pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Sa isang panayam sinabi nito na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga bansa sa Southeast Asia at maging sa buong mundo na posibleng nag-udyok sa kanya.
Matatandaan nakaraang buwan nagtungo ito sa bansang Japan at nakipagkita sa mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho doon at doon siya nagpahayag ng kanyang plano.
Ayon dito nang tanungin kung tatakbo siya sa 2028 kanyang tinugon na seryoso niyang ikinokonsiderang tumakbo sa susunod na presidential elections sa taong 2028 sa kadahilanang hindi na niya matiis pa ang kalagayan ng bansa.
Kanya rin inihayag na maraming kailangang itama at repasuhin para tayo ay maging world class at kailangan daw maging competitive ng Pilipinas sa ibang mga bansa.