Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Dating presidente ng Germany na si Horst Koehler, pumanaw na

Michael Pingol · Feb 1, 2025, 7:09 PM

(FILES) German president Horst Koehler (C) takes part in the funeral of Brother Roger Schutz, 23 August 2005 in the community's Reconciliation church in Taize, eastern France. Germany's former president, Horst Koehler, who served as head of state from 2004 to 2010, died on February 1, 2025 at the age of 81 after a brief illness, officials announced. Koehler "passed away early this morning in Berlin... after a short, serious illness surrounded by his family", the German presidency said. — Fred DUFOUR / AFP

Pumanaw na ang dating pangulo ng bansang Germany na si Horst Koehler sa edad na 81.

Si Koehler ay nagsilbi bilang pangulo ng bansa mula taong 2004 hanggang 2010. Siya rin ang unang German na hindi linya ang politiko, at bago ito napunta sa pinakamataas na posisyon siya muna ay namuno sa International Monetary Fund sa Washington.

Siya ay nahalal para sa pangalawang termino noong taong 2009 ngunit noong Mayo ng sumunod na taon ay nagbitiw ito sa puwesto matapos mabatikos dahil sa mga pahayag tungkol sa mga misyon ng militar sa ibang bansa.

Sa Berlin ito namaalam sa piling ng kanyang pamilya nitong Sabado ng umaga.