DYARYO TIRADA
Aviation incident, naganap sa Philadelphia
Isang aviation incident ang naganap sa Estados Unidos kung saan bumagsak ang isang maliit na eroplano sa North Philadelphia malapit sa Cottman Avenue at Roosevelt Boulevard ngayong araw.
Ayon sa ulat nasa bilang ng anim na katao ang naitalang nasawi sa nasabing insidente at dalawa dito sa mga biktima ay lulan ng eroplano at habang ang apat ay mula sa lugar na pinagbagsakan.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malakas na pagsabog at sunog sa ilang mga kabahayan.
Ang bumagsak na sakayang himpapawid ay natuklasang isang medical air ambulance. Inaalam pa ng otoridad kung ano ang dahilan ng pagbagsak nito.