Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Pagkuha sa practical test sa mga motorcycle riders, hihigpitan ng LTO

Michael Pingol · Jan 30, 2025, 6:34 PM

(FILES) LTO's Central Office

Matapos ang aksidenteng naganap sa Marikina, Rizal, Laguna, at Quezon Highway (Marilaque Highway) kung saan nagkarera ang dalawang motorcycle riders at nagresulta ng pagkasawi ng isa sa kanila, napagdesisyunan ng Land Transportation Office (LTO) na higpitan ang practical test para sa mga nais kumuha ng driver’s license ayon sa ahensya nitong Huwebes.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, maluwag ang ilang lugar dahil simpleng atras-abante lang ang kanilang ginagawa para makapasa, kaya gusto nilang higpitan ang proseso upang makita ang totoong kakayahan ng isang rider.

Layunin din ng ahensya na magkaroon ng pasilidad sa mga pangunahing lungsod sa loob ng maikling panahonn.

Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga nila sa Marilaque Highway na kung saan talamak ang illegal na karera at aalamin kung sino ang nangunguna dito.