Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Tape Inc. labas sa pelikula ni Yap

Michael Pingol · Jan 21, 2025, 6:47 PM

Vic Sotto and Daryl Yap — Vic Sotto photo by Kiko Escuadro file Darryl Yap Facebook page

Pinabulaanan ng direktor na si Daryl Yap na hindi involved ang Television and Production Exponents Incorporated o TAPE Inc. sa pagproduce sa kanyang ginawang kontrobersyal na pelikulang ‘The Rapists of Pepsi Paloma’.

Ayon kay Yap, hindi naiproduce ng mga ‘Anti-Sotto’ ang nasabing pelikula. Matatandaan na nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng Tape Inc. at ang host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto.

‘The Rapists of Pepsi Paloma is not under TAPE Inc. It was not funded by Anti-Sottos, and definitely not made to clear the Sotto Connection,’ ani ni Yap.

Nagkita na si Yap at Sotto sa Muntinlupa court para sa hearing ng isinampang kaso ni Sotto laban kay Yap. Naging tikom naman ang bibig ng dalawang panig ukol sa nasabing hearing.