Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati kay US President Trump

Michael Pingol · Jan 21, 2025, 7:02 PM

Philippine President "Bongbong" Marcos and US President-elect Donald Trump

Matapos ang panunumpa sa pwesto ni ng ika-47 na pangulo ng Estados Unidos na si US President Donald Trump malugod na nagpaabot ng pagbati ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dito at maging sa buong mamamayan ng US para sa kanilang bagong lider.

Umaasa ang Pangulong Marcos na makatrabaho nila ang administrasyon ni Trump at magiging successful ang kanilang pagtutulungan kung sakaling mabigyan ito ng pagkakataon.

Dagdag pa ni Marcos na maganda ang relasyon ng Pilipinas at Amerika at maayos ang alyansa sa pagitan nito.