DYARYO TIRADA
Palasyo, pinagaaralan ang posibleng pag-extend sa posisyon ni PNP Chief Marbil
Pinag-aaralan ngayon ng Malakanyang ang posibilidad na mapalawig pa ang termino ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil hanggang matapos ang halalan sa Mayo.
Sa isang panayam naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi makabubuti sa katatagan ng bansa kung sa kalagitnaan ng panahon ng kampanya at nalalapit na panahon ng eleksyon ang pagpapalit ng lider ng pambansang pulisya.
Nakikita rin ng pangulo na mas magiging mabuti na panatilihin muna si Marbil sa pwesto hanggat hindi natatapos ang eleksyon.
Si PNP Chief Marbil ay nakatakdang magretiro sa Pebrero.