Nagkakataon lamang o sinasadya? Sinasadya kasi nga para mapatotohanan na may silbi, saysay at wawa sa showbizlandia kasi nga palagiang dinadalirot, pinagpipiyestahan at pinag-uusapan?
Ayaw paawat ng mga BINI sa kanilang mga paandar at payanig at tila hayok na hayok silang maging mga bida-bida sa kontrobersiya, huh!
Pagkatapos maidawit si Rico Blanco kay BINI Maloi na itinanggi at pinalagan naman niya, naku, naku, naku… ang bagong pangmalakasang paksa naman ng mga katkaterang tunay, si BINI Aiah naman ang may pasabog kasi nga, ang lalaking minsan ay minahal at pitong taong naging ka-relasyon ni Barbie Forteza na si Jak Roberto, ay siyang malapit sa binatang masarap at Makisig, huh.
Ang hirap walisin dahil nga kalat na kalat na sa social media ang litrato ng dalawa kasama ang ilang mga kaibigan sa isang scuba diving spot.
Siempre pa ang mga katkaterang tunay, binigyang kulay at malisya ang pagsasama nilang dalawa, kahit pa nga may mga kasamang kaibigan, kasi nga di ba, kahihiwalay pa lamang ni Roberto kay Forteza. Ano kung gayun si Aiaih? Panakip butas? Pang-tanggal hapdi? Taga-kamot sa makakating bahagi ni Jak?
Siempre pa, sangrekwa ang mga commentary ng mga netizen sa viral photos na ito. May kaka-aliw. Siempre pa, may nakakabaliw. Hindi rin pwedeng itanggi na may nakatutuwa. Pasok rin ang mga nakakatawa. At mas lalong pak na pak ang mga galing sa mga inggitera at insekyora.
Kaya nga ang mga tanong na may pambansang kahalagahan, luma-love life na nga ba talaga si BINI Aiaih at si Jak Roberto, ang binatang bumihag sa puso niya? At nung kanyang hiniling sa salamin na ipakita sa kanya ang kanyang mamahalin, si Jan Rommel Roberto (tunay na pangalan ni Jak) ang kanyang nasilayan?
***
Bagay na bagay at talagang damang-dama ang chemistry nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa isang patalastas para sa isang sunscreen brand.
Juice colored! Tunay na lalaking makisig, maganda ang mukha at tindig pati nar rin ang pangangatawan ni Echarri na hulmang-hulma sa suot nitong sando.
Si Blyth, ang babaing hinirang ng isang international poll na pinakamagandang mukha sa buong mundo, talaga namang best in panghalina ang hinhin niyang natatangi at dalisay na ganda.
Isang tunay na paraluman at isang ginoong walang katulad. Mabuhay kayo, Andrea Brillantes at Kyle Echarri.
Naway pelikula ang susunod niyong pagtatamabalan at pagsasamahan.