DYARYO TIRADA

Vice Ganda namigay ng kalahating milyon  sa ‘It’s Showtime’ staff

Alex Brosas

Tiniyak ni Vice Ganda na magiging happy ang Christmas ng staff and crew ng “It’s Showtime” nang mamigay siya ng P500K para sa production ng noontime show.

Nangyari  ang bonggang pamasko ni Vice Ganda sa Christmas party ng programa.

Puring-puri naman si Vice ng mga netizens dahil sa kanyang generosity.

“Vice Ganda has such a good heart. Laging in touch cia sa plight ng maliliit na tao. May God continue to guide, protect and bless you, Vice.”

“Kaya xia nabebless ksi d xia nghihinayang mgshare Kung anong Meron xia.”

“Kaya ganado magtrabaho ng its showtime staff kase tuwing pasko may malaking pabuya.”

***

Kris Aquino di totoong patay na

Nagbigay ng proof of life ang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares.

Nag-post si Dindo ng recent photo ni Kris ilang araw matapos matsismis na pumanaw na siya.

“Para po ito sa mga nangungumusta sa kalagayan ni Kris Aquino.

“Ipinadala niya ito kahapon habang magka-chat kami.

“Nagiging antukin si Krisy kaya panay ang tulog. Sabi ko, sana bumabawi na ang kanyang katawan, lalo na’t umaayos na ang panlasa niya.

“Madalas pa ring may masasakit sa katawan, 24/7 naka-monitor ang blood pressure at heartbeat, at tuloy ang gamutan,” say ni Dindo sa kanyang caption.

“But we’re together -- that’s what matters,” sabi niya nang ipadala ang picture. “And I’ll do everything for us to be together longer. Alleluia,” dagdag pa niya.

***

Kim Chiu dinagsa

Sobrang happy ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu dahil dinagsa ng madla ang House of Little Bunny walk-in store niya.

Naubos ang stock ng mga bags na itinitinda ni Kim.

“Hello everybody it’s a full house. Naubos na siya,” say ni Kim sa kanyang Instagram post.

“Thank you so much everyone!!!Merry Christmas indeed,” dagdag pa ng bida ng Valentine movie na “My Love Will Make You Disappear.”

Nag-react naman ang fans ni Kim.

“Congratulations  Kim Chiu.”

“Napuntahan ko yan sa thailand. Laki ng poster nya dun.”