Labis na kinilig ang content creator at Kapuso star na si Shuvee Etrata nang makasama niya sa isang event ang “Incognito” star na si Daniel Padilla.
"Thanks for making my childhood happy."
'Yan ang caption ni Shuvee sa kanyang post.
Da hu ba si Shuvee?
Kilala sita sa TikTok bilang smilingshuvee at mayroon siyang 2.3 million followers at ang kanyang videos ay mayroon nang 50.1 million likes.
Bilang Sparkle artist, ang Cebuana beauty ay bahagi ng “Hearts On Ice” na pinagbidahan nina Ashley Ortega and Xian Lim.
Lumaki si Shuvee sa Bantayan Island, Cebu at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Physical Therapy sa Cebu Doctors University. Mahilig siya sa swimming at pagwo-workout. Nahilig din siya sa mga K-drama series.
Matindi ang crush niya, si Alden Richards, at sa isang interview ay inamin niyang nag-cutting class siya para lang papanood ang AlDub's "Kalyeserye" sa “Eat Bulaga.” Ang favorite actress niya is Bea Alonzo.
Hindi makapaniwala si Shuvee na Sparkle artist na siya.
"Hanggang ngayon po, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobra pong blessed ako dahil nandito po ako ngayon. Sino po bang mag-aakala na ang isang island girl from Cebu, makakarating po ng Manila at magiging Sparkle GMA Artist po? Sobra pa po sa kahabaan ng EDSA ang kasiyahan ko po!" say niya.