DYARYO TIRADA
‘Hello, Love, Again’ tumabo sa unang araw ng pagpapalabas
“Hello, Love, Again,” ang pelikulang pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay kumita ng mahigit P85 milyon sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan sa bansa.
Ito ang pinakamataas na opening gross para sa isang lokal na pelikula.
Ipinakita ang pelikula sa 656 lokal na sinehan, ang pinakamaraming bilang para sa isang lokal na pelikula.
Sa pangkalahatan, ang pelikula ay ipapalabas sa 1,000 sinehan sa buong mundo.
Sa direksyon ni Cathy GarciaSampana, ang “Hello, Love, Again” ang sequel ng 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”
Sinabi nina Bernardo at Richards na masaya silang mapanood ng mga tao ang kanilang pelikula.
“We are very happy na very fulfilled at saka hindi namin in-expect na magiging ganoon ang turnout ng buong pelikula. Kaya excited na po kami na mapanood lahat ‘yon,” pahayag ni Richards nitong Miyerkules.
“So maraming salamat sa lahat ng nanood ng midnight screenings, sa lahat ng nagpa-block screening at sa lahat ng mga manonood pa lang in the coming days — thank you so much for all the support. Sobrang saya namin kagabi.
Thank you,” dagdag ni Bernardo.
Noong na karaang Martes , matagumpay ang world premiere nina Bernardo, Richards at Garcia-Sampana kasama ang mga cast members ng “Hello, Love, Again” na dinaluhan ng mga kapwa celebrity gayundin ng ABSCBN at GMA-7 executives.
Pagkatapos ng world premiere, dumagsa ang mga tagahanga sa midnight screening ng “Hello, Love, Again.”