Proud na proud si Cianne Dominguez nang makuha nila ang second place sa Magpasikat 2024 segment ng It’s Showtime kasama sina Jhong Hilario at Jackie Gonzaga.
“My heart is overflowing with joy, learning, love, and experiences that I can hardly put into words. As I reflect on all the moments that have led me here, this experience has shaped me, teaching me lessons especially about mental health,” say ni Cianne.
“I’m incredibly grateful to be surrounded by the right people who inspire and encourage me to reach for things I never thought I could achieve.”
Sa isang past interview, malaki ang pasasalamat ni Cianne sa big break na ibinigay sa kanya natapos siyang sumali sa Sexy Babe segment sa It’s Showtime. Nakapag-release siya ng new single titled “Traffic” at naging host ng nasabing noontime show.
“Sobra akong clueless. Mas nahasa ‘yung pag-iisip ko kung paano ako magre-response sa mga tao, kung paano ko ilalalabas ‘yung sarili ko,” say niya.
“Sobrang bait pala nila. Very welcoming ‘yung ipapa-feel nila sa’yo, masasasabi mong family. May makukuha kang aral at mga advice from them. Ang sarap lang makinig sa kanila kasi ang dami na nilang na-experience sa buhay. Para sa akin ‘yun ang best part, ‘yung nakukuha mong knowledge sa kanila,” dagdag pa ng dalaga.