DYARYO TIRADA

Julie Anne San Jose binatikos 

DT

Sa tingin ng mga parishioners at maraming netizens ay naging insensitive ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose matapos itong mag-perform for a benefit concert sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Lumabas sa social media ang isang video clip ni Julie Anne kung saan nakasuot siya ng glittery sleeveless and backless gown habang kumakanta ng sikat na song ng ABBA na “Dancing Queen.”

Ang feeling ng ilang netizens ay nabastos ang simbahan dahil sa  choice of song at pananamit ni Julie Anne. Isa pa, hindi raw siya dapat nag-perform sa sagradong lugar gaya ng altar ng simbahan.

Kinuwestiyon din kung bakit pinayagan si Julie Anne na kumanta ng hindi religious song sa loob ng simbahan. Party song kasi ang “Dancing Queen.”

Sa comment section ng isang Facebook page, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Julie Anne.

“Parang Wala ding isip ang performer,alam mong simbahan yan,kahit ba sinabihan kang Jan ka mag perform,neng simbahan yan hindi concert arena,mas hahangaan ka pa kung tumanggi k mag perform Jan dahil mangatwiran kang simbahan yan,disrespect sa church,kesa naman sa nagsasayaw ka pa at nagkakanta Jan,ano gusto mo patunayan? Sa mata ng diyos binastos mo Ang tahanan nya,isip-isip din,baka ang talentong binigay sau,isang umaga paggising mo e Wala na,nganga ka na lang.”

Hindi raw dapat nagtanghal si Julie San Jose sa sagradong lugar.

“Bakit Yan Ang kinanta sa simbahan pa talaga.”

“Pati kasuutan bakit pinayagan ng taga simbahan parang my mali sa mahala ng simbahan at pinayagan ganyan kantanpati kasuotan.”

“Grabe na talaga Ang kalaspatangan ng mga tao para lang sumikat Lalo. Hindi kaba kinikilabutan Julie Ann San Jose sa ginagawa mo?

Simbahan?? Ginawa mong concert Hall, nakakapangilabot Naman Yan. Dancing Queen pa. Sana religious song nalang yong mga kinakanta mo tulad Ng kanta Ng Hillsong. Sana makatulog Ka mahimbing sa ginawa mo.”

“That’s disrectpectful sa ating place of worship, kung Hindi sya Katoliko sana irespeto nila ang simbahan at itong mga artists kabataan ngayon tinuturuan na ng Hindi magandang asal ng mga nakakatanda na nasa artists center nila, hello GMA!”

“Pakana din ng namumuno ng simbahan...kuntodo lights ‘n sound pa talaga!..pero sana nag isip isip ka din@julie ann sa gagawin mo!”